^

Punto Mo

Pusa na iniligtas ang buhay ng kanyang amo, naging nominado para sa National Cat Award!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pusa sa Liverpool, England ang nominado sa National Cat Award matapos nitong iligtas ang buhay ng kanyang amo na may diabetes.

Isang gabi, nawalan ng malay sa kanyang kuwarto ang 51-anyos na si Amanda Jameson dahil sa low blood sugar. Nakita ito ng kanyang alagang pusa na si Willow at agad inalerto ng pusa ang asawa ni Amanda na si Ray Sherwood sa pamamagitan ng pagkagat sa binti nito.

Ayon kay Ray, nakatulog siya habang nasa harapan ng TV nang magising siya sa kagat ni Willow. Nagpabalik-balik ang pusa sa kanyang kinauupuan papunta sa hagdan para ipahiwatig nito na sundan siya sa second floor ng bahay.

Nang sinundan niya ang pusa sa kanilang silid tulugan, saka niya nakita ang asawa na nakahandusay sa sahig. Dahil dito, naagapan ang buhay ni Amanda. Sa kabayanihan na ipinakita ni Willow, isa siya sa finalists ng National Cat Awards.

Ang National Cat Awards ay patimpalak na nagbibigay pugay sa mga katangi-tanging mga pusa sa buong United Kingdom. Sinimulan ito ng charity organization na Cats Protection. Isa si Willow sa limang finalist para sa Hero Cat category. Ang ibang categories ay Furr-ever Friends, Most Caring Cat at Outstanding Rescue Cat.

Gaganapin ang awards ceremony sa Agosto 2023 sa Savoy Hotel sa London.

CAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with