^

Punto Mo

Ang milagro sa Akita, Japan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HUNYO 12, 1973. Nagdadasal noon si Sister Agnes Katsuko Sasagawa sa chapel ng kanilang kumbento: Ins­titute of the Handmaids of the Holy Eucharist, na mata­tagpuan sa Akita, Japan. Habang nakaluhod ay napansin niya ang kakaibang liwanag na nagmumula sa altar kung saan naroon ang Eucharist elements: binendisyunang alak at ostiya.

Mula sa liwanag ay lumitaw ang isang nilalang na may maamong mukha. Napapaligiran ang katawan nito ng puting liwanag. Nagpakilala ito kay Sister Agnes na siya ay guardian angel nito. Tinuruan ng anghel si Sister Agnes ng isang klase ng dasal. First time lang marinig ni Sister Agnes. Isang buwan pa lang siyang naglilingkod bilang madre at noon lang niya narinig ang dasal na itinuro ng kanyang guardian angel. Saka lang niya nalaman na ang dasal na iyon ay sinambit ni Virgin Mary nang mag-aparisyon siya sa Fatima, Portugal: “Oh my Jesus, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those in most need of your mercy. Amen.”

Simula noon nakaranas ng stigmata si Sister Agnes. Ang palad ng kanyang kaliwang kamay ay nagkaroon ng sugat na kagaya ng sugat na tinamo ni Jesus sa pagkakapako niya. Ang nagdurugong sugat ay korteng krus na nagdudulot ng sobrang sakit sa kawawang madre. (Itutuloy)

vuukle comment

EUCHARIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with