^

Punto Mo

Teenager, nakulong sa claw machine nang tangkaing magnakaw ng stuffed toy!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa North Carolina, USA ang kinailangang i-rescue mula sa loob nang mala­king claw game machine matapos pasukin at tangkaing magnakaw ng mga laruan. Naganap ang insidente sa Carowinds theme park sa Charlotte, North Carolina noong Abril 16.

Ayon sa spokesperson ng theme park, nakatanggap sila ng report mula sa staff na may 13-anyos na batang la­laki ang sumubok pumasok at magnakaw sa loob ng isa sa kanilang claw machine at hindi na makalabas.

Ang naturang claw machine ay ang Cosmic XL Bonus Game na gawa ng kompanyang Elaut Group. Ayon sa company website ng Elaut Group, may sukat ang claw machine na ito na 6.5 feet tall, 5 feet wide at 5 feet deep.

Mahigit 17 minuto na nakulong ang teenager sa claw machine bago siya na-rescue ng medical response team. Walang injury na natamo ang teenager at agad ibinalik sa kanyang magulang.

Ipinahayag ng spokesperson na isang taon na bawal bumisita ang teenager sa Carowinds theme park bilang parusa sa ginawa nito.

vuukle comment

MAGNANAKAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with