Mga payo sa pakikipagrelasyon
• Huwag sayangin ang iyong buhay sa “insecure relationships”. Dalawa lang ang pagpipilian: 100 percent na pagtitiwala or iwanan mo siya.
• Kapag may nang-ghost sa iyo, huwag mo nang habulin ang multo at mag-move on. Multo na nga eh. Magtira ng respeto sa sarili.
• Hindi mo makakamtan ang healthy relationship kung ikaw mismo ay may toxic relationship sa sarili mo.
• Itigil mo na ang kahahanap sa right person at magpokus ka muna sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Upang pagdating ng tamang panahon, ikaw ay maging right person sa taong makakahanap sa iyo.
• Kung totoong may gusto ang isang tao sa iyo, mararamdaman mo iyon nang 100 percent sigurado. Ngunit kung wala naman siyang gusto sa iyo, diyan ka malilito kung may gusto ba o wala sa iyo.
• Kung ang kapalit ng pangangalaga mo sa iyong pagkababae ay paglayo ng lalaking mahal mo, hayaan mong mangyari ‘yun. Lalayuan ka rin niya kapag may nabuo diyan sa tiyan mo.
• Mas malakas dapat ang pagmamahal mo sa iyong sarili kaysa pagnanasa mong mahalin ka ng opposite sex.
• Nakahahawa ang ugali ng mga taong pinapapasok mo sa iyong buhay. Kaya maging matalino sa pagpili ng mga taong kakasamahin mo sa buhay. O kung nagkamali sa pagpili, mayroon ka dapat lakas ng loob na lumayo rito, ASAP.
- Latest