^

Punto Mo

Ang matalino

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BAGO naging sikat na storyteller si Aesop, nagsilbi muna siyang alipin sa isang mayaman at mabait na amo. Ang among ito ang nagpalaya sa kanya sa pagiging alipin dahil nakitaan niya ng angking talino si Aesop. Ngunit ang ikukuwento ko ay noong bago pa lang alipin si Aesop sa kanyang amo.

Isang araw ay isinama ng amo ang kanyang limang alipin, kasama si Aesop, sa kanyang ilang araw na paglalakbay. Pina­pili ng amo ang limang alipin kung anong sako ang kanilang bibitbitin: Sako na may lutong karneng baka at manok, o sako na may mga personal na gamit ng amo.

Sa isang sako nakalagay ang karneng baka at manok. Ang personal na gamit ng amo ay naka-distribute sa apat na sako. Ang piniling buhatin ni Aesop ay sako na naglalaman ng karne. Nagtaka ang apat na kasama. Bakit kung ano ang pinakamabigat ay iyon ang pinili ni Aesop. Napangisi ang apat na kasama.

“Sumisipsip kasi…kaya ang pinili ay pinakamabigat” bulong ng isang alipin sa mga kasamahan.

“Tanga lang siguro. Hindi naiisip na mabigat buhatin ang karne.”

Amo lamang ang nakasakay sa camel samantalang ang mga alipin ay lakad lamang. Naririnig ng mga kasamahang alipin ang paghingal ni Aesop lalo na kapag paitaas ang kalsadang dinadaanan nila.

Sumapit ang oras ng kainan. Huminto ang grupo sa isang malilim na lugar. Inutusan ng amo si Aesop na hatiin ang karne para sa lahat. Matapos kumain, ipinagpatuloy muli nila ang paglalakbay. Ang laki ng iginaan ng bitbit na sako ni Aesop.

Sa bawat pagtigil para kumain, pagaan nang pagaan ang bitbit na sako ni Aesop hanggang sa wala na siyang bitbit. Ang nagtatawa sa kanya kanina, na mga kasamahang alipin, ay napapangiwi  ngayon sa kanilang bitbit na sako. Habang tumatagal kasi ay napapagod na sila kaya ang pakiramdam nila ay lalong bumibigat ang kanilang bitbit.

Sako na may lamang pagkain ang pinili ni Aesop dahil nauubos iyon at darating ang oras na wala na siyang bibitbitin.

“Think about future gains while taking any decision; even if they require hard work.”—Anonymous

 

INTELLIGENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with