“BUSOG na busog ako, Jong. Salamat sa blowout mo. Happy birthday ulit. Pasensiya ka na talagang hindi ko naalala na kaarawan mo ngayon,’’ sabi ni Pam.
“Okey lang Pam.’’
“Hayaan mo at sa susunod na taon, advance kitang babatiin. Pangako, Jong.’’
Nagtawa si Jong.
“Kahit hindi mo ako batiin basta sa birthday mo, ilibre mo rin ako, patas na tayo, ha-ha-ha!’’
“Sige, sa birthday ko kakain din tayo. Isama natin ang inay mo at si Tito Mon.’’
“Wow, sige. Matutuwa si Inay at si Tito Mon. Gustung-gusto ka ni Inay, Pam.’’
Natahimik si Pam. Napatungo.
“Bakit Pam?’’
“Wala.”
“Wala e halatang may tampo ka. Ano yun?’’
“Kasi mabuti pa ang inay mo, gusto ako. Samantalang ang isang tao riyan, wala yatang damdamin.’’
Supalpal si Jong. Hindi siya manhid para hindi makuha ang ibig sabihin ni Pam.
“Pam, ibig mong sabihin, mahal mo rin ako?’’
“Aba wala akong sinasabi.’’
“Sabihin mo Pam, mahal mo rin ako.’’
“Di ba dapat ikaw magsabi sa akin niyan?’’
“Mahal kita Pam. Nun pa mahal na kita. Ikaw mahal mo ako.’’
“Oo. Mahal kita.’’
“Sabi ko na nga ba at mahal mo rin ako. Nahihiya lang akong magtapat.
Kinuha ni Jong ang kanang palad ni Jam at pinisil. Maligayang-maligaya sila.
Minsan, nang magkita silang muli, naitanong ni Jong kay Pam kung tuloy pa ang plano nito na pagtungo sa ibang bansa.
“Oo Jong. Tuloy ako sa Canada. Naroon din kasi ang tita ko. Baka one year lang ako sa work ko rito at mag-aaplay na ako.’’
Itutuloy