^

Punto Mo

Unspokenrules  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kapag nasa bahay ka ng kakilala at dumaing ito na pagod na siya, senyales iyon na kailangang mo nang magpaalam.

2. Hintayin mong matapos magsalita ang isang tao bago ka sumabat sa usapan.

3. Iwasang makipag-usap nang matagal sa telepono kung may mga kasama kang nakapaligid sa iyo.

4. Kung sa isang umpukan ay napansin mong may isang nahihiya o awkward ang ikinikilos, huwag mo itong i-point out sa mga kasamahan.

5. Itago mo ang iyong smartphone kapag nasa harap ng hapag-kainan.

6. Lahat tayo ay busy, huwag mong paghintayin ang ibang tao sa iyo.

7. Sagutin mo kaagad ang imbitasyon lalo na kung ito ay nagsasaad ng RSVP.

8. Hindi lahat ng tao ay gustong nasa social media kaya humingi muna ng permiso sa isang tao kung mababanggit mo ang kanyang pangalan sa iyong post sa newsfeed.

9. Kung nasa workplace at oras ng trabaho, hinaan mo ang iyong boses kung may sasagutin kang personal call. I-silence ang ringer ng iyong smartphone.

10. Huwag gamitin ang social media para i-shoutout ang mga personal na problema sa asawa, at mga mangungutang na hindi nagbabayad.

11. Kung may sakit, huwag nang pilitan pang pumasok. Huwag maging tagakalat ng germs.

12. Sa bus, train at elevator, hayaan munang bumaba o lumabas ang mga pasahero bago pumasok sa mga nabanggit.

13. I-silence ang smartphone kapag nasa loob ng sinehan at simbahan.

14. Iwasang maging tsismosa sa gitna ng kasayahan sa party.

15. Maging kalmado at huwag patulan ang masungit na saleslady/hotel staff. Alamin ang pangalan ng mga ito at isumbong sa management.

RULES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with