May isang sikat na artista
Tatlong taon pa lang siya nang magsimulang magdusa sa buhay. Iniwan siya ng kanyang ama kaya lumaki siya sa tatlong iba’t ibang stepfathers. Pangarap niyang maging hockey player pero naaksidente siya kaya hindi natuloy ang kanyang plano.
Nagkaasawa siya. Nang isilang ang kanilang panganay na anak na babae, namatay agad ito. Ang kanyang maybahay ay namatay naman sa car accident. Ang kanyang bestfriend ay namatay sa overdosage ng gamot. Pagkatapos, namatay ang kanyang sister dahil sa leukemia.
Ang masasakit na karanasang ito ang nagmolde sa puso ni Keanu Reeves para maging malambot at maawain ang puso sa mga nangangailangan.
Minsan, habang ginagawa niya ang pelikulang “The Lake House”, narinig niyang umiiyak ang costume assistant habang ikinukuwento nito sa kaibigan na maiilit ng banko ang bahay nila kung hindi makakapagbayad ng $20,000 sa araw ding iyon.
Nang oras ding iyon, kinausap niya ang babae at agad nagpadala ng pera sa bank account nito.
Minsan siyang namigay ng motorsiklo sa lahat ng stuntmen na nakasama niya sa pelikula. Milyon ang nagastos niya dahil Harley-Davidson lang naman ang ipinamigay niya.
Sa mga successful films na ginawa niya, binawasan niya ng 90 percent ang kanyang talent fee upang may iba pang makuhang artista na walang project ang film company.
Noong 1997, nakita siya ng mga paparazzi na nakikipagkuwentuhan sa isang homeless habang magkasalo na nag-aalmusal.
Nagtayo siya ng charitable institution na may mahigpit na bilin na huwag ipagsasabi na siya ang nasa likod nito.
Ano ang nagbunsod kay Keanu Reeves para maging mabuti sa kanyang kapwa lalo na sa mga nangangailangan?
Sa pagtulong daw niya natatagpuan ang kaligayahan kaya saglit niyang nalilimutan ang malungkot niyang mga karanasan.
- Latest