^

Punto Mo

7 simpleng solusyon  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mainam ang pagkain ng buto ng kalabasa para sa mga may “enlarged prostate”.

2. Para maging normal ang “flow” ng menstruation—kumain ng green papaya, ‘yung inihahalo sa tinola. O, kaya, ‘yung papa­yang manibalang at isinasawsaw sa suka.

3. Para sa sobrang lakas “duguin” kapag may menstruation—kumain ng nilagang bulaklak ng saging pagkatapos ay uminom ng isang basong gatas. Ito ‘yung nakukuha sa puso ng saging. Karaniwang ginagamit na panghalo sa Chinese adobo ang bulaklak ng saging o sa humba.

4. Pahiran ng olive oil ang gilagid ng sanggol kapag nagsisimula na itong tubuan ng ngipin. Nakakaginhawa ito sa nangangati niyang gilagid.

5. Constipation—uminom ng prune juice o kumain ng sariwang kamatis na isinawsaw sa asin. Mas effective kung kakain o iinom nang walang laman ang tiyan. Pansamantalang iwasan muna ang pagkain ng saging.

6. Panic attack o nerbiyos—nakakatulong ang pag-inom ng vitamin B complex; iwasan o bawasan ang pagkain na mayaman sa carbohydrate; huwag gumamit ng refined sugar (puting asukal). Makabubuting gumamit ng honey, brown sugar, muscovado sugar. Iwasan ang kape at iba pang inuming mataas ang caffeine.

7. Apple cider vinegar para sa arthritis pain – Paghaluin ang isang kutsaritang apple cider vinegar, honey at isang tasang tubig. Mas epektibo kung iinumin bago kumain.

vuukle comment

SOLUSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with