^

Punto Mo

R-PSB ni Gen. Okubo, lalarga sa Metro ­Manila!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HUWAG sanang masorpresa ang 12 milyong Metro Manilan’s kung makita nilang mas maraming unipormadong pulis ang nagpapatrulya sa maraming sulok ng Kamaynilaan. Gusto kasi ni NCRPO chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo na 50 percent ng 24,000 workforce ng NCRPO ay nasa kalye sa ilalim ng kanyang programang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB).

Malakas ang paniniwala ni Okubo na kapag may unipormadong pulis sa lahat ng kanto ng Metro Manila, maging babae man ang mga ito, ay magdadalawang-isip ang mga kriminal na isakatuparan ang kanilang masamang balak. Kaya sa ilalim ng R-PSB, malaking bahagi ng kapulisan ang magpapatrulya sa lansangan at skeletal force na lang ang maiiwan sa headquarters. Eh di wow!

Nagsimula na ang R-PSB sa Caloocan City kung saan, lahat ng police precincts ay ang commander at isang tauhan na lang ang maiiwan sa presinto. Ang mga kapulisan ay na-download sa lugar kung saan mataas ang kasong murder at homicide. Ganundin ang mangyayari sa Quezon City kung saan mataas ang nasabing mga krimen. Dipugaaaaaa! Hehehe! Sa ngayon kasi 33% ng pulis sa NCRPO ang nasa kalye.

Pormal na binuksan ni Okubo noong Biyernes ang 7-day training ng R-PSB, kung saan 240 na pulis sa limang police districts sa Metro Manila at Regional Mobile Force Battalion, ay matutong ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa komunidad. Ang mga trainees ay magsisilbing R-PSB operative na gagamitin ang kanilang matutunang kaalaman, skills at values para isulong ng serbisyong gobyerno sa kumunidad.

“The R-PSB is a six months immersion program. You need to understand the functions of our partner national agencies to address the issues and concerns of the community to do community or government services leaving behind the usual peace and law enforcement functions. We are going out of our confined box to serve with our hearts,” pahayag ni Okubo. Eh di wow!

Hinikayat ni Okubo ang trainees na ibigay ang kanilang pinakang serbisyo sa PNP at iwasang masangkot sa anumang klaseng katiwalian. “Let’s serve this organization with pride and loyalty,” aniya. Dipugaaaaa! Hehehe! Suportahan natin mga kosa ang R-PSB program ni Okubo para na rin sa katahimikan ng Metro Manila. Mismooooo!

Teka nga pala, para mapaunlad pa ang serbisyo ng mga pulis sa Metro Manila, nais ni Okubo na palitan ng mga babaing pulis ang lahat ng naka-assign bilang desk officer mula sa presinto hanggang sa headquarters.

May mga reports kasi na nakarating kay Okubo na ang mga lalaking desk officers, lalo na ang mga malapit nang magretiro ay masungit kung makitungo sa complainant at kung minsan ay pinagagalitan pa nila ang mga ito.

Subalit kapag babae ang desk officers, tinitiyak ni Okubo na hindi sila masungit at imbes mahaba ang pasensiya nila at maganda ang pakikitungo sa mga complainant. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Kung anu-anong programa na ang ipinatupad ng NCRPO para mabawasan ang kriminalidad sa Metro Manila at sana maging matagumpay ang R-PSB ni Okubo.

Abangan! 

EDGAR ALAN OKUBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with