^

Punto Mo

20 life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Upang hindi langawin, ispreyan ng vodka ang inyong picnic table bago maghain ng pagkain.

2. Kung hindi makatulog, ikisap ang mata ng sunud-sunod sa loob ng isang minuto.

3. Kung magluluto ng cookies, gumamit ng dinurog na avocado bilang substitute sa butter. Hindi mo mahahalata ang pagkakaiba ng lasa at magiging healthy pa ang cookies.

4. Maganda ang cold shower sa katawan. Bukod sa nagpapaganda ito ng balat at buhok, nakakatanggal ito ng depresyon.

5. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa, 47 percent ang dumadagdag sa haba ng iyong buhay kung ang iyong kakainin ay lutong bahay at least, five times a week.

6. Kapag sinasabi ng isang advertisement na ang toothpaste nila ay nagre-repair ng ngipin, tingnan mo kung may “novamin” ito bilang active ingredient. Ito lang ang totoong nagkukumpuni ng ngipin.

7. Nababawasan ang tsansang magkaroon ng breast cancer ang isang babae ng 14 percent  kung siya ay maglalakad ng isang oras araw-araw.

8. Bakit nakakatulong sa pagbawas ng timbang ang pagkain ng spicy foods? Kasi nagkakaroon ka ng pakiramdam na busog ka na kahit kaunti lang ang nakain, dahil sa pangingimi ng iyong taste buds dulot ng anghang.

9. Kapag nasa restaurant, maghugas ng kamay pagkatapos mong umorder. Ang pinakamaru­ming hahawakan mo sa restaurant ay ang Menu.

10. Ang pag-inom ng chocolate milk ay nakakatanggal ng masakit na muscle pagkatapos ng workout.

(Itutuloy)

VODKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with