ITO ang mga dahilan ayon sa sistema ng Fengshui:
• Walang galang sa ama o ina.
• Tanghaling gumising.
• Lasenggo.
• Mahilig magbuhat ng sariling bangko. Laging pinupuri ang sarili.
• Maaksaya sa tubig.
• Nanghihiya ng katulong o taong mas mababa ang kalagayan sa buhay.
• Reklamador.
• Palamura sa kapwa.
• Hindi tumutupad sa pangako.
• Tsismosa.
• Inggitera.
• Walang utang na loob sa kompanya or boss na nagbigay sa kanya ng magandang kabuhayan.
• Laging pinaghihintay ang ibang tao dahil sa kanyang ugaling “late” dumating.
• Walang habas kung gastusin ang mga minana sa kanyang mga ninuno kung saan ang pinuhunan doon ay dugo at pawis ng matatanda.
• Mahilig mambaoy or manumbat ng naitulong niya.
• Mahilig mangutang pero hindi nagbabayad.
• Nagpapraktis ng black magic o nagbabayad sa mambabarang para perwisyuhin ang nakaaway.
• Sinisiraan sa boss ang kasamahan sa trabaho para siya ang magmukhang good boy.