• Kung talagang mahal ka ng isang lalaki, walang makapipigil dito para mapalapit sa iyo. Pero kung hindi ka niya kursunada, wala rin makapipigil para layasan ka.
• Huwag mong hangarin na maging magkaibigan kayo pagkatapos maghiwalay gamit ang walang kamatayang dahilan: “For the sake of the children.” Lalo na kung ang dahilan ng hiwalayan ay binusabos ka nang lubos.
• Huwag kang papayag na gawin ka lang niyang tau-tauhan at paikutin sa kanyang palad. Minsan kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na masama ang inuugali niya sa iyo, kapit-tuko ka pa rin sa inyong relasyon dahil umaasa ka na magbabago rin siya balang araw.
• Huwag mo nang hintayin pa na kasuklaman mo ang iyong sarili at sabihing: Bakit ba nagpakatanga ako ng matagal sa isang relasyong wala palang pupuntahan?
• Iwasang makarelasyon ang lalaking maraming anak sa labas. Kung binuntis niya at iniwan ang ina ng mga anak niya, bakit naman babaguhin pa niya, ang kanyang istilo sa iyo.
• Huwag mong ipagtatapat sa kanya ang lahat ng sekreto mo. He will use it against you later.
• Huwag mong ipaparamdam na binibigyan mo siya ng importansiya kaysa iyong sarili, na para bang isa siyang diyos na iyong sinasamba. Kahit na mas mataas ang kanyang pinag-aralan at mas maganda ang kanyang trabaho kaysa iyo. He is a man, nothing more, nothing less.
• Huwag makipagrelasyon dahil gusto mong mabuo ang iyong pagkatao. Ang relasyong nagtatagumpay ay binubuo ng dalawang tao. Deal with your issues before pursuing a new relationship.