^

Punto Mo

Facts tungkol sa quiet people

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Mabuti silang tagapakinig ng mga saloobin ng ibang tao. Mainam silang hingan ng tulong sa oras ng kagipitan. Mabuti rin silang tagapayo kung hihingan mo siya ng kanyang opinyon.

• Malakas ang kanilang kutob tungkol sa mga taong nasa paligid niya. Palibhasa ay walang imik, naoobserba niya ang maliliit na detalye tungkol sa pagkatao ng mga nakapaligid sa kanya.

• Matagal silang magalit dahil mabait at maunawain pero kapag napuno na ay  mag-ingat ka. Masamang magalit ang tahimik at mabait.

• Tahimik siya physically pero “madaldal” siya kapag kausap ang sarili. Maraming ideya ang naglalaro sa kanyang isipan. Kaya huwag maliitin ang kanyang intelligence porke walang imik.

• Akala mo lang suplado sila dahil walang kibo pero loyal silang kaibigan at karelasyon.

• Sila ay malikhain kaya nagiging musician, writer, or  artist.

• Mas gusto nila ang one-on-one conversation kaysa makipagkuwentuhan sa grupo ng mga tao. Private people kasi sila kaya naiilang makipagsosyalan sa “crowd”.

• Mahiyain sila dahil nag-oobserba muna bago sumali sa pakikipagkuwentuhan.

• Mas marami silang malapit na kaibigan kaysa “acquaintances” lang.

• Masaya at nakakatuwa silang kasama sa piling ng malalapit na kaibigan.

• Magaling silang lider. Totoo ang kasabihang mas malalim ang tubig na kalmado.

• Kung naghahanap ka ng tunay na kaibigan, ‘yung tahimik na tao ang iyong piliin kaysa madaldal na mababaw naman.

FACTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad