Psychoogy skis na dapat matutuhan (Part 2)    

  • Mag-aral ng bagong lengguwahe.
  • Lumabas at damahin ang kalikasan.
  • Hanapan mo ng dahilan kung bakit ka sasang-ayon sa halip na kumontra sa iyong kausap. Unahin muna ang maging positibo.
  • Lakasan ang loob at talunin mo ang nadadamang takot.
  • Araling magpokus sa iyong ginagawa.
  • Galingan lagi pero bukas ang isip na puwede kang magkamali.
  • Magbigay nang bukal sa kalooban.
  • Unahin muna ang sarili na makinabang sa pinaghirapan mo saka mag-share kung may nasobra.
  • Panagutan mo lagi ang iyong mga desisyon.
  • Gumising nang maaga.
  • Simulan ang hobby na matagal mo nang nais gawin.
  • Tanungin ang sarili kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa iyong buhay.
  • Tuklasin ang dahilan kung bakit gusto mong mabuhay.
  • Mag-umpisa ng bagong diet.
  • Iwasang makipag-away.
  • Patawarin ang pagkakamali ng iyong mga kaibigan.
  • Kung sa gitna ng pakikipagkuwentuhan, dumako bigla ang topic tungkol sa negatibong bagay ng isang taong wala sa oras na iyon, umalis ka at huwag sumali sa tsismisan.

Show comments