• May gandang naidudulot sa kalusugan ang paglilista ng mga bagay na ipinagpapasalamat mo sa iyong buhay.
• Ayon sa research, maaaring mayaman sa materyal na bagay ang materialistic people pero hindi pa rin kumpleto ang kanilang nadaramang saya. Bakit? Dahil kulang sila sa sense of gratitude.
• Ang pagpapadala ng liham ng pasasalamat ay lalong nakapagpapasaya ng kalooban.
• Kung ikaw ay manager ng isang kompanya, ang pagpapasalamat sa mga empleyado ay lalong nakakaengganyo na magsipag sila sa kanilang trabaho.
• Ang pagpapasalamat sa mumunting bagay na nagawa ng iyong asawa ay lalong magpapaigting ng pagmamahalan ninyong dalawa.
• Ang taong marunong magpasalamat sa grasyang dumarating sa kanya ay mas magaling na team player.
• May positive effect sa utak ang ugaling marunong magpasalamat sa biyayang natatanggap: Laging maganda ang mood kaya nagiging mabuti ang pakikisama nila sa ibang tao.
• Nakakahimbing din ito ng tulog.