General Estomo, ‘Hero of the Year’ ng mga Pinoy!
IGINIIT ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo na ang tunay na bayani sa ngayong panahon ay ang mga Pinoy na nagmamahal sa bayan, gustong mamuhay ng tahimik at nirerespeto ang karapatan ng kapwa. Ipinahayag ni Estomo ang salitang ito matapos gawaran siya ng parangal bilang “Heroes of the Year” ng samahang “Gawad Pilipino” bilang pagkilala sa kanyang kasipagan kung saan naging daan ito para isulong ang Philippine culture, at tradition na nakaapekto nang malaki sa “society for humane innovations”.
“Ang mga mabuti nating hangarin para sa ating mga kababayan ay magpapatuloy sa susunod pang mga buwan. Magsilbing inspirasyon nawa ito (award) upang lalo pa nating mapaganda ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa Metro Manila,” sabi ni Estomo. Eh di wow! Ang award ay tinanggap ni NCRPO spokesman Lt. Col. Dexter Versola sa Novotel Hotel & Resorts, sa Araneta Ave., Cubao Quezon City noong December 27. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!
Matapos matanggap ang award, inutusan ni Estomo ang kanyang limang police districts na paigtingin ang kanilang police deployment para maging mapayapa at ligtas ang New Year revelry sa kanilang mga hurisdiksiyon. Nais ni Estomo na mapababa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok at maging ang kriminalidad, habang ang mga Pinoy ay masayang siniselebra ang Bagong Taon. Eh di wow!
Kaya sa mga matitigas ang ulo na mga Metro Manilan’s diyan, ingat-ingat din dahil mahigpit na ipapatupad ng kapulisan sa Metro Manila ang umiiral na batas at regulasyon patungkol sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnics. Hak hak hak! Kung hindi man kayo magBagong Taon sa kulungan, tiyak sa ospital naman ang landing n’yo kapag kayo ay nasugatan. Dipugaaaaa!
Para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Metro Manila, hinikayat ni Estomo ang lahat na maging responsable at sumunod sa mga patakaran na pinaiiral ng LGUs ukol sa firecracker display at paggamit nito. Ang mga pulis, aniya, ay mahigpit na ipatutupad ang EO 28 at RA 7183 kung saan nire-regulate ang pagbenta, paggawa, distribute at paggamit ng firecrackers at pyrotechnics. Hayan mga kosa ha, hindi nagkulang ang NCRPO chief sa pagbigay ng paalala sa inyo para mailayo kayo sa kapahamakan. Mismooooo!
Mahihirapan din kayong magtago sa kapulisan dahil aabot sa 1,369 personnel ang i-deploy ni Estomo sa Metro Manila, lalo na sa kasulok-sulukang bahagi nito. ‘Ika nga, wala kayong ligtas. Eh di wow!
“Taun-taon pong pinapaalala ng kapulisan sa ating mga kababayan ang pag-iingat at pagsunod sa mga batas sa pagpapaputok at pagpapailaw,” sabi ni Estomo. “Lagi po nating tatandaan na pinakamasaya parin ang pagsalubong sa parating na Bagong Taon kung ligtas at maayos ang kalagayan ng ating sarili, mga mahal sa buhay at mga taong nakapaligid sa atin,” dagdag pa niya.
Sa gun owners naman, binalaan sila ni Estomo na ‘wag magpaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon kung ayaw n’yong maharap sa samu’t saring kaso. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!
- Latest