Luma at gamit nang sandals ni Steve Jobs, ipinasusu basta sa halagang $15,000!
ISANG lumang pares ng brown suede leather Birkenstock Arizona sandal na pagmamay-ari ng yumaong Apple co-founder na si Steve Jobs ang ipapa-auction ng Julien’s Auctions ngayong Nobyembre.
Kasama ng sandals, ipapa-auction din ang NFT photo nito at ang librong “The 213 Most Important Men in My Life” kung saan kabilang si Steve Jobs sa na-feature bilang isa sa ‘influencial men’.
Nagsimula ang online auction sa website ng Julien’s Auctions noong Nobyembre 11 at magtatapos ngayong Nobyembre 13. Ayon sa website, sinuot ni Steve Jobs ang sandals na ito noong mid 1970s hanggang 1980s. Ito ay ang panahon kung kailan sinisimulan pa lamang ni Jobs ang Apple Computer, Inc. sa isang garahe sa Los Altos, California.
Sa panayam ng Vogue Magazine sa ex-wife ni Steve Jobs na si Chrisann Brennan, sa sobrang paboritong isuot ni Jobs ang sandals na ito, kinukunsidera na niya ito bilang kanyang “uniform”. Dahil komportable itong isuot, mas malayang nakakapag-isip ng mga ideya si Jobs para sa noo’y nagsisimula pa lamang na Apple Computer, Inc.
Dahil kabilang sa history ng Apple ang sandals na ito, na-display na ito sa ilang exhibitions tulad ng Salone del Mobile sa Milan, sa Birkenstock Headquarters sa Rahms, Germany, sa IMM Koln furniture fair sa Cologne, Germany at sa History Museum Wurttemberg sa Stuttgart, Germany.
Ang starting bid ng sandals ay $15,000 at sa kasalukuyan ay nasa $22,500 na ang bid dito.
- Latest