Ginger (191)

HINDI makapaniwala si Ginger na tapos na ang ipinagawa nilang school. Parang kailan lang ay pinaplano nila ni Anton ang pagpapagawa ng gusali pero eto at tapos na tapos na.

Nakasulat ang TATANG NADO ELEMENTARY SCHOOL sa pinaka-arko ng school. Napakagandang pagmasdan na isang eskuwelahan para sa mga kapuspalad na bata ang naitayo sa lugar. Sino ang mag-aakala na isang maganda at malaking school ang maitatayo roon. Isang lugar na kinatatakutan pa dahil sa mga maligno at walang nagnanais magtungo kundi ang mga magpapagamot kay Tatang Nado.

Masayang naibulong ni Ginger: Natupad na ang pangarap mo Tatang Nado na magkaroon ng school sa lugar na ito. Pangako na lahat ng bata rito at sa iba pang barangay ay magkakamit ng magandang edukasyon.

Maya-maya nakita ni Ginger na paparating si Anton at may mga kasamang magulang.

‘‘Tutulong sila sa paghahanda ng mga kakainin ng mga bata, Ginger. Araw-araw daw silang narito sa school para tumulong,’’ sabi ni Anton.

‘‘Marami pong salamat sa inyo. Magbubunga po ang lahat ng ating gagawin para sa mga bata. Lahat nang bata rito ay magiging successful.’’

(Itutuloy)

Show comments