Ginger (187)
‘‘MATATAHIMIK na tayo Anton,’’ sabi ni Ginger at yumakap kay Anton.
‘‘Oo Ginger. Walanang gagambala sa atin dito.’’
‘‘Talagang hindi pa rin ako makapaniwala na ang kapahamakan ay bigla-bigla kung dumarating. Walang babala. Kaya dapat talaga na laging mag-iingat at magdarasal.’’
‘Tama ka Ginger. Dapat magdarasal lagi para malayo sa panganib.’’
Maya-maya nagyaya na si Ginger.
‘‘Halika na sa bahay Anton. Kailangang magamot ang mga sugat sa mukha mo at braso.’’
‘‘Ikaw din, Ginger. Marami kang pasa braso at hita.’’
Tinungo nila ang bahay sa di-kalayuan.
Agad kinuha ni Ginger ang first aid kit at nilagyan ng gamot ang sugat sa mukha ni Anton. Pawang suntok at sipa ang natamo ni Anton sa mga lalaki na nakasaba sa kanya para saklolohan si Ginger.
Napaaray si Anton nang linisin ni Ginger ang sugat niya sa pisngi. Mahapi.
Matapos malinis ang sugat ni Anton, ang mga pasa at galos naman ni Ginger ang inasikaso ni Anton. Nilagyan din niya ng gamot ang pasa ng asawa. Kulay vipolet ang pasa sa likod ni Ginger. Awang-awa siya sa asawa. Sa oras na iyon, naipangako niya na hindi na lalayo kahit isang segundo sa asawa. Kung bakit kasi nang oras na maganap ang pagdating ng mga lalaki ay nasa bayan siya at may binibili.
Pangako na hindi na siya lalayo sa asawa.
(Itutuloy)
- Latest