‘‘HINDI ka pinabayaan ni Tatang Nado na mapahamak sa mga lalaking yun, Ginger. Talagan pinroteksiyunan ka,’’ sabi ni Anton habang hinihimas ang rebulto ni Tatang Nado.
‘‘Oo, Anton. Dininig niya ang kahilingan ko na tulungan. Nang mahubaran ako ng damit at tangka nang pagsasamantalahan ng lider ng grupo, nakatakbo ako at dito sa rebulto ni Tatang Nado nagtago. Isinigaw ko ang pangalan ni Tatang Nado at humingi ako ng saklolo. Nang kinubabawan na ako ng lalaki, biglang may tumamang bato sa mukha nito. Sunod ay tinamaan ang mata. Hanggang sa hindi na makakita at nagtatakbo na. Ganundin ang nangyari sa tatlong kasama. Tinamaan din ng bato na hindi alam kung saan nanggaling.’’
‘‘Talagang mahal ka ni Tatang Nado. Hindi ka pinabayaan.’’
‘‘Oo Anton. Sinaklolohan niya ako at siguro rin dahil sa pananalig ko sa Diyos.’’
‘‘Purihin ang Diyos.’’
‘‘Sa palagay mo sino ang mga taong nagtungo rito?’’
‘‘Sabi ng mga pulis, sindikato ang mga iyon. Kunwari ay may dalang titulo at sasabihin sa mga nakatira rito na kanila ang lupa. Magpapakita ng kung anu-anong dokumento para matakot ang mga narito.’’
‘‘Yun nga ang sabi sa akin. Umalis na raw ako rito dahil kanila ito. Pero nagmatigas ako. Sabi ko, kumpleto ng papeles ang lupang ito.’’
‘‘Nagbayad din sila.’’
‘‘Wala na kayang kasamahan ang mga yun?’’
‘‘Wala na.’’
(Itutuloy)