‘‘OO, Anton. May tumulong sa akin kaya ako nakaligtas sa panggagahasa ng pinakapinuno ng mga lalaki,’’ sabi ni Ginger at pinahid ang luha.
‘‘Sino ang tumulong sa iyo?’’
‘‘Hindi ko nakita pero malaki ang aking hinala na si Tatang Nado ang tumulong sa akin.’’
Napamulagat si Anton.
‘‘Paanong si Tatang Nado?’’
‘‘Kasi umulan ng bato at tinamaan ang mga lalaki sa mukha at mata. Hindi nila alam kung saan nagmula ang mga bato. Napakarami at sa lakas ng tama sa kanilang mga mata ay halos hindi na sila nakakita.’’
Hindi makapaniwala si Anton. Tumutugma ang nakita niya kanina nang ang mba lalaki ay hindi malaman kung saan susuling dahil hindi makita ang dadaanan. Pawang may sugat sa mga mata. Lahat ay nahulog sa bangin.
‘‘Si Tatang Nado ang nagligtas sa akin, Anton at wala nang iba.’’
Pinagmasdan nila ang rebulto ni Tatang Nado at napansin nila na parang may sariwang bakas ng mga bato ang katawan nito.
Napatangu-tango si Anton. Naniniwala na siya sa sinabi ni Ginger—ang matanda nga ang tumulong sa kanyang asawa para makaligtas sa kuko ng manyakis.
Hinipo ni Anton ang batong hawak ng rebulto at kakaiba ang nadama niya. May hatid na init.
(Itutuloy)