^

Punto Mo

Pusa na may 4 na taynga, matatagpuan sa Turkey

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINANGANAK ang pusang si Midas na may dalawang pares ng taynga at defective na panga dahil sa genetic mutation. Ngunit hindi ito naging hadlang para siya’y ma­ging internet sensation na libu-libo ang followers sa social media!

Inampon si Midas ni Canis Dosemeci mula sa isang animal care and adoption center sa Ankara, Turkey. Ayon kay Dosemeci, na-love at first sight siya kay Midas at ito ang pinili niyang ampunin dahil nag-aalala siya na mahihirapan itong makahanap ng tahanan dahil sa kakaibang hitsura nito.

Pinangalanan nilang “Midas” ang pusa dahil kahawig ng mga taynga nito ang “donkey ears” ni King Midas mula sa Greek mythology. Ayon sa kuwento, pinarusahan ni Apollo si King Midas sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng “donkey ears”. Mas sinamba kasi ni King Midas ang isang Satyr kaysa kay Apollo na isang makapangyarihang Greek god.

Kakaiba man ang anyo ng pusang si Midas, hindi ito nakaapekto sa kanyang kalusugan. Kahit apat ang kanyang taynga, lahat ito ay konektado sa kanyang ear canal at normal ang kanyang pandinig. Bukod dito, ipinanganak din si Midas na may defective jaw na naging dahilan kaya bahagyang nakalabas ang kanyang dila.

Dahil sa nakakatuwa at unique na hitsura ni Midas, naging viral sensation siya sa Instagram at sa kasalukuyan ay mayroon siyang 348,000 followers sa Instagram.

Sa tulong ng impluwensiya ni Midas sa social media, nais iparating ni Canis Dosemeci sa mga followers nito na kung sakaling gugustuhin nila na magkaroon ng alagang hayop, mas piliin sana ng mga ito na mag-ampon kaysa bumili mula sa mga petshop.

PUSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with