^

Punto Mo

Ingat, modus sa spam text, talamak pa rin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI maikakaila, lubhang alarming na ang pagkalat ng mga spam texts o pekeng text messages.

Halos araw-araw marami sa atin ang nakakatanggap ng ganitong mga mensahe na kadalasan ang ilan eh may paalok-alok pa ng trabaho.

Kung hindi ka magiging maingat, mahuhulog ka sa pakay ng sindikato, partikular dito na makukuha ang personal mong impormasyon na gagamitin naman nila upang nakawan ka o magamit ang pangalan mo sa pangungulimbat na wala kang kaalam-alam.

Iba-ibang istilo lang ang mga sindikato, pero iisa ang layunin ang makapanloko.

Kapansin-pansin na umalagwa ang ganitong pagkilos ng mga kawatan lalo na noong kainitan ng panahon ng pandemya.

Sangkot dito ang isyu ng privacy ng isang indibiduwal na mabibiktima ng ganitong modus.

Noon pa mang nakalipas na taon, tinutukan na ito ng National Telecommunication Commission (NTC).

Nakakapagtaka nga lang sa kung paano nakukuha ng mga ito ang mga maraming numero ng kanilang bibiktimahin.

Aminado rin ang NTC na lubhang mahirap ma-trace ang spam messages dahil malamang na ang gamit ng mga ito ay prepaid SIMs na hindi rehistrado kumpara sa mga postpaid numbers.

Aprubado na noong nakalipas na taon sa Senado at Kamara ang panukalang batas ukol sa gawing mandatory ang pagpaparehistro sa SIM card para mapigilan ang text scams kung hindi nakarehistro ang gamit na SIM ng sindikato, aba’y mahirap talagang matunton at matukoy ang mga ito.

Noong nakalipas na taon, nasa 150 milyon ang mobile subscriber malamang malaki pa ang itinaas nitong kasalukuyang panahon. Sa bilang na yan maliit na porsiynet lamang ang postpaid.

Sa inisyal pa ngang imbestigasyon ng National Privacy Commission, global organized syndicate ang nasa likod ng ganitong spam text messages.

Matinding pag-iingat ang dapat na isagawa para di mahulog sa ganitong mga modus ng sindikato.

Laging maging mapanuri lalo na ngat itinuring ang Pinas na’texting capital’ sa buong mundo.

Ibig lang sabihin, dito na umiikot ang buhay ng mga Pinoy, kaya naman dito na rin pinaiikot ng mga sindikato ang istilo nang kanilang panloloko.

 

SPAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with