^

Punto Mo

Sakai City, Japan, nag-donate ng ambulansiya sa Marikina!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DAHIL sa patuloy na banta ng pandemya at kalamidad, malaking tulong ang mini-pumper fire truck at ambulansiya na nai-donate ng Sakai City, Japan sa sister City nito na Marikina City. Sinabi ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na ang kagamitan ay makakadagdag sa gamit ng siyudad sa paglaban sa COVID at panaka-naka na baha tuwing tag-ulan.

Ang ambulansiya ay may nakakabit na gamit tulad ng portable at fixed oxygen supply equipment, suction apparatus na may regulator, built-in pulse oximeter, automated external defibrillator, blood pressure meter, nebulizer, immobilization equipment at iba pa. Dumating sa bansa sina Sakai Mayor Masahiro Hashimoto, Congressman Noboru Hammura at iba pang opisyales ng Sakai City para i-turnover ang kagamitan kay Mayor Teodoro, na sinaksihan naman ng mga miyembro ng City Council.

“On behalf of the City Government and citizens of Marikina, I graciously accept and express our profound gratitude for this ambulance. But more than this, we are grateful for the invaluable learnings, experiences, and opportunities we have both gained from our mutual collaboration and friendship,” ani Mayor Teodoro. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Epektib talaga ang sisterhood nitong Marikina at Sakai, no mga kosa? Mismooooo!

Itong sisterhood ng dalawang siyudad ng Japan at Pinas ay nagsimula noong 2017 sa pamamagitan ng memorandum of agreement. Sa anim na taon na sisterhood, sinabi ni Mayor Teodoro na maganda naman ang bilateral cooperation at reciprocity ng dalawang siyudad. “We have fulfilled our objective of broadening and deepening our mutual understanding of our culture, people, and practices of good governance. We have actualized programs in education and disaster risk reduction and management through benchmarking activities and exchanging of ideas,” aniya.

Naniniwala si Mayor Teodoro na uunlad ang Sakai at Marikina sa darating na panahon.”Mayor Hashimoto and I have been given the opportunity to continue serving our respective cities, a favorable condition for us to further our partnership in education and explore more areas of collaboration moving forward, especially in the spheres of culture, tourism, trade, and environment,” ayon kay Mayor Teodoro na nagpapasalamat ng todo sa pagiging bukaspalad at matulungin ni Mayor Hashimoto. Mismooooo! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Pagkatapos ng event, masayang hinubad ni Mayor Hashimoto ang kanyang sapatos sabay pakita na gawa ito ng Marikina. Kasama sa party nina Mayor Hashimoto at Congressman Hammura ang miyembro ng Sakai Council, Sakai Office at representante ng education at business sector ng siyudad. Abangan!

AMBULANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with