^

Punto Mo

200-taong gulang na puno, ‘sumabog’ dahil sa matinding heatwave sa Portland, U.S.!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA kasagsagan ng heatwave sa Portland, Ore­gon may isang oak tree doon ang tila “sumabog” at naging dahilan para masira ang mga malapit na kable ng kuryente.

Ayon sa mga taga-Eastmoreland neighborhood, 200 years nang nakatayo ang oak tree. Healthy at naaalagaang mabuti ang puno ngunit nitong nakaraang pitong araw, nakaranas ang Portland ng mahigit 35 hanggang 40 degrees celcius na temperatura. Ito ang naging dahilan para masira ang sanga ng puno na may bigat na 13,000 kilos.

Sa panayam sa arbo-rist na sumuri sa puno na si Michael Jolliff, posible na nag-explode ang puno dahil sa matinding init. Bukod sa gas buildup, maaaring may thermal changes sa loob ng puno at sa wood tissues na naging sanhi ng pagsabog nito.

Walang nasaktan sa insidente at minimal lamang ang property damage na nagawa ng “exploding tree”.

PORTLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with