^

Punto Mo

Pagwalis sa mga ­sagabal sa daanan, ‘wag tantanan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MISTULANG inaaraw-araw na ang mga isinasagawang clearing operation ng mga kinauukulan partikular sa mga ­pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Paghahanda na rin kasi ito sa nalalapit nang pagbubukas ng klase sa Aug. 22 at sa 100% pagbabalik ng face-to-face classes sa Nov.

Mismong ang mga local goverment units na nangunguna sa pagsasagawa sa paglilinis sa mga sagabal sa lansangan.

Panahon na rin marahil para  madisiplina rito ang marami nating kababayan na wag abusuhin ang mga daanan.

Sa panahon pa ni dating Pangulong Digong mahigpit na nitong iniutos ang pagwalis sa mga sagabal sa daanan at ibalik ang bangketa sa publiko.

Maging sa kongreso ibat-ibang panukalang batas ang inihahain para lamang mapalakas ang paglilinis sa mga kalye o daanan.

Naabuso na kasi ito , marami na ang nahirati at inuring kanila pati bangketa.

Hindi nga bat may mga panukala ng gawing rekisitos sa mga bagong bibili ng bagong sasakyan na bago nila ito maiparehistro ay kailangan maipakita nila ang pruweba na mayroon silang mapaggagarahehan.

Ito ay dahil sa maraming lugar ang kalsada ang ginagawang parking ng mga pasaway.

Isa pang panukalang batas pa din ang inihain sa Kamara kung saan nais mapatawan ng parusa ang sinumang   maliligo , maglalaba, magsasampay ng mga damit, magtitinda , magbuburol ng mga patay at iba pa sa mga sidewalks sa bansa partikular na sa mga urban areas.

Nakapaloob ito  sa  panukalang House Bill (HB) 1252 o ang Penalizing the Used of Sidewalks for Commercial and Personal Purposes.

 Oo nga naman, imbes nga kasi na magamit at mapakinabangan ng pedestrian ang sidewalks,  ayun madalas pedestrian pa ang nahihiyang dumaan kung doon ba naman naliligo ang ilan, nakakalat na labada na lalabhan at talagang nangyayari minsan ginagawa pang burulan ng patay.

Talagang naabuso na ang mga naging kaluwagan sa nagdaan, kaya inakala ng mga pasaway na nakapangalan na sa kanila ang daan.

Kung mapagtitibay ang ganitong mga panukalang batas, laking kaginhawaan ito sa marami.

Ito ang hinihintay ng ating mga kababayan na tuluyang maaprubahan.

CLEARING OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with