Ang epekto ng hitsura mo sa paningin ng ibang tao (Part 6)
ANG mga sumusunod na “human attractive facts” ay bunga ng pagsasaliksik ng mga psychologist sa U.S.:
• Noong 1939 survey para sa mga kalalakihan, nasa ika-14 na puwesto ang “beauty” sa 18 desirable mate characteristics ngunit tumaas sa ika-8 puwesto noong 1996. Ang resulta ng survey para sa mga kababaihan, nasa ika-17 puwesto ang kaguwapuhan noong 1939 ngunit biglang tumaas sa ika-13 puwesto noong 1996. Ayon sa mga analysts, sa pagdaan ng panahon na-exposed ang mga tao sa visual media, TV, movies, the Internet at iba pang virtual reality kaya tumaas ang naging importansiya ng “beauty” sa paghahanap ng magiging asawa nila.
• Ayon sa Cosmopolitan magazine, ang paggamit ng pinaghalong scents ng lavender at pumpkin ay nakakatulong upang ang isang babae ay maging attractive sa mga lalaki. Naaakit naman ang mga babae sa mga lalaking ang ginagamit na scent ay cucumber or black licorice.
• Naaakit ang mga kalalakihan sa mga babaeng ang bone structure ay kagaya ng sa kanilang ina.
• Ang tingin ng lasing sa mga taong kaharap nila ay pulos magaganda dahil kapag nasa ilalim ng ispiritu ng alak ang isang tao, mahina ang kanilang paningin sa pag-a-analyze sa kapintasan ng mukha ng tao.
- Latest