^

Punto Mo

Haunted house na naging inspirasyon ng horror movie na ‘The Conjuring’, naibenta ng $1.5 M!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NABILI ng isang Boston developer sa ha­lagang $1.5 million ang isang haunted­ house sa Rhode Island. Naging tanyag ang bahay na ito matapos maging inspirasyon ang mga pangyayari rito ng 2013 horror movie na “The Conjuring”.

Sa panayam sa nakabili na si Nancy Nunez, wala siyang balak gibain ang haunted house at balak niyang ipagpapatuloy ang nasimulan na business ng previous owner nito na sina Cory and Jennifer Heinzen.

Taong 2019 nabili ng mga Heinzen ang haunted house  at ginawa nila itong tourist attraction para sa mga fans ng pelikulang “The Conjuring”. Gabi-gabi ay may paranormal investigation, sa umaga ay may mga day tours at may nagaganap din na mga livestreaming events.

Hindi sa mismong tahanan nag-shooting ang “The Conjuring” pero sa mga katatakutan na naganap dito noong 1970s ibinase ang kuwento ng pelikula.

Ayon kay Nunez, wala pa siyang nararanasan na kababalaghan sa nabili niyang haunted house. Pero bilang bagong may-ari, handa siya na maranasan ito.

vuukle comment

HAUNTED HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with