YARI ang illegal e-sabong websites na ginamit ang Philippines my Philippines sa kanilang operasyon dahil natiktikan sila ng mga awtoridad.
Sabi nga, buti nga!
Kaya lang ang mga administradores ng illegal e-sabong websites ay dehins pa pinapangalan ng mga awtoridad sa hindi malamang dahilan.
Mukhang nahihirapang kapain.
Bakit hindi ninyo itanong sa mga gambling lords tiyak kilala nila ang mga ito dahil baka magkukumpare pa sila.
Ipinasara ang illegal e-sabong websites dahil nagbaba ng utos si Boss Digong na isara at itigil ang operasyon nito.
Nakakahiya sa presidente kung hindi susunod o magpapakitang gilas ang kanyang mga alipores.
Sabi nga, ilang araw na lang ito sa Malacañang?
Ayon sa mga urot, dose raw ang websites pero dalawa lamang ang nag-ooperate sa Philippines my Philippines. Ang 10 ay nasa abroad ang online sabong operations.
Nabuko ang operasyon dahil maingay din ang mga ito porke kailangan nila ang mga sugarol kaya ipinasa nila ang kanilang mga link. Ito ang dahilan kung bakit nabukayo.
Wala itong perang ibinibigay sa gobyerno sa pamamagitan ng buwis sabi ng mga bright,
Paano nga naman magbibigay ng pangbuwis ilegal nga!
Teka, paano ang illegal online sakla at iba pang e-sugalan?
Abangan.