^

Punto Mo

Sagrado ang iyong boto Vending machine sa Japan, nagbebenta ng ID picture ng mga estranghero!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG gachapon o vending machine sa Kagurazaka, Tokyo ang dinadayo dahil nagbe­benta ito ng mga ID picture ng mga pang­karaniwang tao sa halagang 300 yen!

Mainit na pinag-uu­sapan ngayon ng mga Japanese netizens ang kakaibang gachapon o vending machine dahil nagbebenta ito ng mga litrato ng tao. Na-curi­ous ang mga Japanese

 sa vending machine da­hil hindi litrato ng mga artista, singer o celebrity ang binebenta nito kundi mga estranghero o pang­karaniwang tao.

Inilagay ang vending machine sa Kaguraza­ka noong Marso 2022. Simula noong may nag-post sa Twitter tungkol sa unique na vending machine, pinilahan na ito at dinadayo na ng mga mamimili mula sa malalayong lugar tulad ng Osaka. Ang iba ay siniguradong makokolekta nila ang lahat ng 10 litrato mula sa vending machine.

Napag-alaman na ang may-ari ng vending ma­chine ay si Terai Hiroki. Sa isang panayam kay Hiroki ng isang tv pro­gram, ang ideya niyang ito ay dahil sa panahon ng pandemic. Ayon sa kanya, nakasuot ng face mask ang lahat ng tao sa paligid kaya naisip niya na nakakatuwang makita ang kabuuan ng mukha ng isang estranghero sa panahon ngayon. Sini­gurado rin niya na ang lahat ng mga litratong mabibili sa vending ma­chine ay may pahintulot ng mga nagmamay-ari nito.

Sa sobrang patok ng vending machine, magkakaroon ng second batch ang mga litrato kung saan mga bagong mukha ng estranghero ang maaaring kolek­tahin.

 

VENDING MACHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with