^

Punto Mo

EDITORYAL - Ban sa single use plastics ipinatutupad ba o waley na?

Pang-masa
EDITORYAL - Ban sa single use plastics ipinatutupad ba o waley na?

NOONG Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang likhain ang resolusyon at wala nang narinig ukol dito. Ipinatupad ba o wala na?

Kung ipinatupad ang pagbabawal ng single-use plastics sa mga tanggapan ng pamahalaan, malaki ang maitutulong para maisalba ang Pilipinas sa plastic pollution. Ang mga single-use plastics na kinabibila­ngan ng sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee, catsup, toothpaste, straw at mga sando bags na karaniwang ginagamit sa palengke ang nakatambak sa mga estero at kanal at nagiging dahilan nang pagbaha. Bumabara ang mga ito sa drainage system. Tatagal nang mahabang panahon sa mga imburnal sapagkat hindi nabubulok. Marami rin ang hahantong sa karagatan at magpaparumi. Masisira ang mga corals. Banta rin sa buhay ng mga isda ang single-use plastics sapagkat kinakain ang mga ito. Karamihan sa mga balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay ay nakakain ng plastic na basura.

Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single-use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Banta rin ang upos ng sigarilyo at dagdag problema sa plastic pollution sa karagatan. Tinatayang 766 milyong kilos ng upos ang nakokolekta bawat taon ayon sa United Nations Environment Program (UNEP). At hindi lang basta basura ang mga upos na ito sapagkat toxic at banta sa buhay ng mga lamandagat kapag nakain. Ang upos ay gawa sa microplastics na tinatawag na cellulose acetate. Hindi umano ito natutunaw. Ang microplastics ay ginagamit din sa mga foodchain at pinaniniwalaang nagdudulot ng seryosong epekto sa kalusugan ng tao na kinabibilangan ng pagbabago sa genetics at may epekto sa brain development.

Nalimutan na ba nang pamahalaan ang pagbabawal ng single-use plastic? Hindi naman sana sapagkat masisira ang kapaligiran at mga lamandagat. Ipatupad sana nang maayos.

Maghigpit sa pagtatapon ng upos ng sigarilyo. Dati may ordinansa ang bawat lungsod na pinagmumulta ang mga nagtatapon ng upos. Pero ngayon, wala nang sumisita sa mga nagtatapon ng upos.

Hindi sana ningas-kugon sa pagpapatupad ng batas.

PLASTIC BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with