• Matanda na pero dadaigin ang grade one sa pagiging sumbungero sa boss.
• Tandaan ang pangalan ng mga taong nakakasalamuha mo.
• Restaurant manners: Dumating sa restaurant nang mas maaga sa scheduled reservation. Maging magalang sa server. At maging generous tipper.
• Isuot ang damit na angkop sa work environment.
• Kapag nagmimiting, purihin ang kasamahan na nagbigay ng brilliant ideas. Ito ay isa sa mga palatandaan na ikaw ay team player.
• Kung sino ang mas mataas ang posisyon, siya ang unang makikipagkamay. Ngunit kung nagkamali ka na maunang mag-offer ng kamay sa iyong boss o tatay ng iyong girlfriend, okey lang iyon. Ituloy ang pakikipagkamay. Smile and don’t apologize.
• Kung ikaw ay nakaupo, tumayo muna at saka iabot ang kamay.
• Kung nakikipagkamay, alisin sa bulsa ang kaliwang kamay.
• Laging ngumiti. Halata pa rin ang nakangiti at nakasimangot kahit naka-face mask.
• Kung hindi mo kayang maging mabait, at least, huwag naman maging tsismosa.
• Kapag nasa pampublikong lugar kagaya ng restaurant, palengke, supermarket, bahagi na ng good etiquette ang pagsusuot ng face mask nang tama: ‘yung natatakpan ang ilong hanggang baba.
• Unawain ang kalagayan ng restaurant na kakainan ngayong pandemic. Ang upuan ay limitado dahil sa social distancing. Iwasang maging matagal sa loob ng restaurant dahil nagkukuwentuhan pa kahit tapos nang kumain. Isipin ang kapakanan ng ibang kostumer na nakapila sa labas at naghihintay ng bakanteng mesa.