^

Punto Mo

Etiquette rules (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Hawakan ang wallet or handbag sa kaliwang kamay para mabilis mong maikikilos ang iyong kanang kamay kapag kailangang makipagkamay.

• Ang power seat sa limousine ay sa likuran, bandang kanan. Iyon ang ilalaan para sa iyong boss “or whomever is the person of prominence or honor.”

• Kung ituturo mo ang isang tao,  gamitin ang buong kamay na nakabuka, huwag ang hintuturo.

• Huwag magsuklay habang nasa harapan ng dining table sa restaurant. Gawin ang pagpapaganda  sa rest room.

• Kung magpapakain ng mga kaibigan sa inyong bahay at ikaw ay nagda-diet: Ang diet plans ay sa iyo lamang. Huwag mo silang idamay. Maghain ng pagkain na alam mong lahat ng iyong bisita ay masisiyahan.

• Kung inimbita kayong mag-anak sa bahay ng kaibigan at alam mong walang maid, tumulong ka sa pagliligpit lalo na kung nagkalat ang iyong mga anak.

• Huwag makipag-break sa karelasyon sa text.

• Kung inimbitahan ka sa isang party, hindi dapat magsama ng mga taong hindi kasama sa imbitasyon.

• Sa party pa rin: Kung hindi ka kumakain ng pagkaing iniaalok sa iyo ng host, huwag tumanggi, kumuha na kaunti at tikman ito.

• Kung ikaw ay nagda-diet at marami kang arte sa pagkain: Mas mabuting tanggihan ang imbitasyon sa dinner party. Mainam na ito kaysa pupunta ka sa party pero makikita naman ng host na hindi ka kumakain. (Itutuloy)

ETIQUETTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with