Ang pagpataw ng buwis
HINIKAYAT ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mga kapwa mambabatas sa Senado na mabilis na ipasa ang mga counterpart bill ng Senado sa naaprubahang House Bill na naglilibre sa buwis sa lahat ng halagang ibinibigay sa mga taong nagbibigay ng serbisyo sa halalan para sa lokal at pambansa upang ito ay agarang maipatupad sa darating na 2022 elections.
Ang mga boluntaryo sa serbisyo ng halalan ay binubuo ng mga guro ng pampublikong paaralan. Sa dagdag na panganib at mas mahabang oras ng serbisyo sa botohan na kailangan nilang tiisin dahil sa COVID-19, ang pagtanggal ng 5% na buwis sa kanilang honoraria at allowance ay makatarungan lamang.
Ang pagpapataw ng buwis sa honoraria at allowance ng mga boluntaryo sa serbisyo sa halalan ay sumisira sa diwa at hangarin ng Election Service Reform Act, para bayaran ang mga paghihirap ng mga taong nagbibigay ng serbisyo sa halalan. Kaya dapat nilang tamasahin ang kabayaran nang buo at hindi magdala ng karagdagang pasanin.
“Ang mga allowance na natatanggap ng election service volunteer workers ay reimbursement lamang para sa mga gastusin ng mga poll workers. Hindi tama ang pagpataw ng 5% na buwis sa mga allowance na ito,” pahayag ni Castro.
Ang mga guro ay karapat-dapat na matanggap ang buong halaga ng honorarium pagkatapos isagawa ang kanilang mataas na panganib na trabaho bilang mga manggagawa sa botohan.
Kinakailangan silang dumalo sa pagsasanay, maghatid ng mga kagamitan sa halalan at mula sa mga tanggapan at presinto ng Comelec at magsagawa ng iba pang gawaing may kinalaman sa halalan.
“Now more than ever, we urge our fellow lawmakers in the Senate to ensure that this bill will be passed para mabilis itong maisabatas at ang ating mga guro at iba pang poll service volunteers ay ma-enjoy ang honoraria and allowances tax free,” sabi ni Castro.
- Latest