Mga ­kapaki-pakinabang na dulot ng finger ­massage sa ating kalusugan  

BAWAT daliri ng ating kamay ay responsable sa ating kalusugan:

Hinlalaki – konektado ito sa lungs, bronchi at liver. Ito ang hihilutin kapag inuubo.

Hintuturo – digestive tract.

Panggitna – circulatory system.

Palasinsingan – hihilutin kapag ninenerbiyos, masama ang mood at stressed.

Hinliliit – ito ang hihilutin kapag nahihirapang dumumi.

Paraan:

1. Ibuka ang palad kasama ang mga daliri. Iunat  na mabuti ang mga daliri.

2. Dahan-dahang kuyumin ang kamao.  Parang ihahanda mo ito sa pagsuntok.

3. Dahan-dahang ibuka. Gawin nang 10 beses ang bukas-sara ng kamao.

4. Paraan ng paghilot sa daliri:

Gamit ang hinlalaki at hintuturo ng kanang kamay, magsimula ang paghilot sa wrist, patungo sa bawat daliri. Bawat daliri ay 10 beses hihilutin. Imasahe ang bawat daliri ng tig-sasampung beses.

Halimbawa, stressed ka, mas tagalan mo ang paghihilot sa hinliliit. Kaliwang kamay naman ang gamiting panghilot para sa daliri ng kanang kamay.

5. Mas mainam na gawin ang paghilot sa umaga bago mag-almusal.

Show comments