190-anyos na pagong, pinarangalan ng guinness bilang ‘oldest living animal’!

ISANG 190-anyos na pagong na dineklara noon bilang oldest tortoise ay nakatanggap ng pangalawang titulo mula sa Guinness, ang World’s Oldest Living Land Animal!

Ang pagong na pinangalanang Jonathan ay 50-anyos na nang  natagpuan sa tabing dagat ng St. Helena, isang ­British overseas territory sa Atlantic Ocean noong 1882.

Dahil sa matandang edad ni Jonathan, binigyan na siya ng St. Helena government ng sarili niyang veterinary team.

Ayon sa head ng veterinary team ni Jonathan na si Dr. Joe Hollins, kahit wala na itong paningin at mahina na ang pang-amoy, magana pa rin itong kumain at madalas pa rin makipag-socialize makipag-mate sa mga kapwa niya pagong.

 

 

Show comments