^

Punto Mo

Unang kabanata nagtapos na, pero may kasunod pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga mukhang nagtapos na ang unang kabanata o season sa mala-teleseryeng kaganapan sa pulitika sa bansa.

Nagkaroon ng linaw o kasagutan sa mga katanungan mula  sa pagsusumite  ng certificate of candidacy (COC) hang­gang kahapon na deadline ng substitution.

Hindi nangyari ang mga unang inaasahan na maglalaban sa pagka-bise presidente sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Hindi rin personal na nagtungo sa tanggapan ng Comelec ang Pangulo imbes ang kanyang abogado ang nagsumite ng kanyang kandidatura.

Hindi rin sa ilalim ng PDP-Laban tatakbo ang Pangulo kundi  sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan kahalili ng isang Mona Liza Visorde.

Sa nasabing partido rin nagharap ng COC sa ilalim ng substitution si Senador Bong Go na ngayon nga ay tatakbo ring presidente.

Iniwasan nila ang kumplikasyon sa gusot sa PDP-Laban.

Bukod kay Pangulong Digong, marami pang personalidad ang humabol sa paghahain ng kandidatura sa ilalim ng substitution.

Isingit ko lang kabilang dyan si dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Good luck, sir!

So, nasagot na ang ilang mga katanungan.

Pero may susunod na mga kabanata pa tayong hinihintay. Kabilang nga rito eh kung made­desisyunan ng maaga ng Comelec ang mga inihain sa kanilang mga petisyon, at ang sinusubay­bayan nga  ay ang iniharap na petisyon laban kay dating Senador Bongbong Marcos.

Bukod dyan, ay ang   magiging opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Sinasabing mahigit daw sa kalahati sa nagsumite ng COC sa pagka-pangulo ang mawawalis sa listahan.

Pero parang alam na rin naman kung sinu-sino ang maglalaban-laban.

Ang kabanatang ito marahil ay hanggang sa pagsapit na mismo ng halalan.

Kung ano ang mga pwedeng mangyari ,  yan ang patuloy pang -aabangan, sa pagpapatuloy ng  tele-drama at mala-aksiyong halalan.

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with