^

Punto Mo

Bawas badyet ng gobyerno

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

Pinalagan ang panukala ng gobyernong Duterte ng pagbawas sa badyet para sa mga pampublikong ospital at ins­titusyon.

Imbes na bawasan dapat  dagdagan ang mga paglalaan ng badyet para sa sistemang pangkalusugan sa Philippines my Philippines.

Sinabi ng madlang people na ang 2022 National Expenditure Program na binawasan ang badyet para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng P170 milyon; Batanes General Hospital, P10.5 milyon; Rehiyon II Trauma at Medical Center, P67.3 milyon; Bicol Region General Hospital, P90 milyon; Mindanao Central Sanitarium sa Zamboanga Peninsula, P28.2 milyon at University of the Philippines na pinagkukunan ng Philippine General Hospital ng pondo, P1.4 bilyon.

Sinisisi ng Anakpawis partylist, ang hindi sapat na testing program ng gobyerno, ang testing­ sa COVID-19 ay naging isang pasanin sa mga mahihirap na pamilya.

Sinabi ng Coalition for People’s Right to Health na ang gastos sa RT-PCR testing ay mana­natiling magastos dahil P3,800 para sa mga pampublikong pasilidad sa kalusugan at P4,500 hanggang P5,000 para sa pribado.

Ang 277 testing centers ay hindi rin pantay na matatagpuan sa buong bansa, na may 115 sa National Capital Region, at ang karamihan ay 54% ay mga pribadong pasilidad sa kalusugan.

Bukod dito, 31 probinsya ang walang mga sentro ng pagsubok tulad ng Abra, Apayao, Ifugao, Ilocos Sur, Batanes, Nueva Vizcaya, Quirino, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Guimaras, Siquijor, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occidental, Davao Oriental­, Sarangani, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.

“Paulit-ulit lang ang mararanasan nating surge ng mga kaso kung sa testing pa lang hindi na maipatupad ang mga krusyal na hakbang. Sa bawat surge, wala nang ibang alam gawin ang gobyerno kundi ang mag-lockdown, at kakambal nito ang kawalang hanapbuhay ng mga mahihirap, at ang malawakang kagutuman at pagkakabaon sa utang,’’ sabi ni Lina Libanan ng Anakpawis.
Idinagdag pa nito, “Ang daan-daang libong tweet na sumusuporta kay VP Leni ay patunay ng paghahangad ng oposisyon na taliwas sa kapalpakan ng administrasyong Duterte. Nawa’y magsilbi ito sa mga konkretong aksyon ng mamamayan, kahit wala pang eleksiyon, para sa pagtuturo ng siyentipiko at medikal na tugon sa pandemya, para maiwasan ang paulit-ulit na lockdown na nakaaapekto sa malawak na mahihirap na mamamayan.”

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with