Teenager mula UK, pinakabatang piloto na nakaikot sa buong mundo!

ISANG British teenager ang naging pinakabatang piloto na nakaikot sa mundo nang mag-isa sa edad na 18-taon at 150 araw!

Noong Mayo 29, 2021 sa isang paliparan sa Netherlands, sinimulan ni Travis Ludlow na mag-isang ikutin­ ang mundo gamit ang 2001 Cessna 172R plane.

Pagkatapos ng 44 araw, nakabalik siya sa Netherlands matapos mag-stopover sa Poland, Russia, U.S.A,, Canada, Greenland, Iceland, Bri­tain, Ireland, Spain, Morocco, France at Belgium.

Noon pa sanang May 2020 sinimulan ni Ludlow ang kanyang Guinness World Record attempt ngunit na-potsponed dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa stopover niya sa U.S.A. nakilala niya ang previous record holder si Mason Andrews na nakaikot sa mundo sa edad na 18-taon at 163 araw noong 2018.

Show comments