SA pamamagitan ng lubid, hinila ng walong Ukrainian “strongmen” ang sinasabing pinakamalaki at pinakamabigat na cargo plane sa mundo sa layong 14 talampakan sa loob ng 1 minuto at 14 segundo.
Pawang bodybuilders ang humila sa eroplano, na isang cargo plane na gawa sa Soviet Union noon pang 1988 at may bigat na 628,300 pounds.
Hinila ng walo ang eroplano sa tarmac ng Hostomel Airport na malapit sa Kiev, Ukraine.
Ginawa ng walo ang pagpapakitang-gilas bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng kalayaan ng Ukraine.
Plano nilang isumite ang kanilang nagawa sa Guinness World Records matapos itong kilalanin sa national record book ng Ukraine.