MAKABAGONG estilo ang gagamitin ni Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee para kumbinsihin ang mga organizers at left-leaning groups na magbalik-loob na sa gobyerno. Kung sabagay, halos lahat ng government agencies na nakabase sa Cordillera Region ay todo-suporta sa programa ni Lee. Ang pamamaraan na tinatawag na “Dumanun Makitungtung”, na Ilokano word na ibig sabihin ay “bisitahin at kausapin,” ay aprubado na ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC) at maging ng Cordillera Peace and Order Council (RPOC).
Sinabi ni Lee na kasalukuyang tini-training nila ang local police, at militar, maging ang LGUs, lalo na ang barangay officials para planuhin kung paano ipatutupad ang guidelines ng programa sa Cordillera region. Hindi pa nga ini-implement ang “Dumanun Makitungtung” subalit nag-iingay na ang left-leaning groups at mga organizers ng CPP-NPA-NDF, at maging ang Makabayan bloc na ibig sabihin iindahin nila ang naturang programa, ani Lee.
Hindi masabi ni Lee kung ilang left-leaning individuals, o mga organizers ang namumugad sa Cordillera region subalit binigyan diin niya na karamihan sa kanila ay nasa Baguio City, na tinaguriang White area o pahingahan ng ranking leaders ng CPP-NPA-NDF. Dipugaaaaaaa! Mismoooooo!
Sa ilalim ng RLECC -CAR Resolution 06 s.2021, kasali sa programa ng Cordillera police at militar ang LGUs, NGOs para i-harmonize ang galaw ng ahensiya ng gobyerno sa pagbigay ng suporta sa peace agenda ni President Digong sa ilalim ng NTF-ELCAC. Ang estrahiya ng Cordillera police at bisitahin ang mga bahay ng kilalang communist front organizations (CFOs) at kausapin sila na magbalik-loob na sa gobyerno.
Ang team ay pangungunahan ng Chief of police o station commanders at ang listahan nila ng CFOs ay manggaling sa Regional Intelligence, RIU 14, NICA at military counterparts. Siyempre, aalamin nila kung ano talaga ang partisipasyon ng CFO sa underground movement at ang bawat operation ay dapat naka-coordinate sa mga barangay officials.
Ang lahat ng operation ay dapat isagawa sa pagrespeto ng human rights ng mga CFO’s, ani Lee. At kapag nakumbinsi ang CFO na magbalik-loob na, aba sasamahan ito ng kamag-anak sa police station para sa documentation at proper disposition. Dipugaaaaaa! May nakakatakot ba sa «Dumanun Makitungtung» mga kosa?
Pinuri ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang bagong sistema ng Cordillera Region para gapiin na ang insurgency problem sa kanilang lugar. Ayon kay Eleazar, todo suporta ang PNP sa «Dumanun Makitungtung», ang naiibang programa ng Cordillera police na maaring kopyahin pa ng ibang PNP regions, di ba mga kosa?
“‘In fighting communist insurgency in the country, we in the PNP believe that we have to present better ideas that focus on winning back the trust and confidence of those who fell prey to this failed ideology,» ani Eleazar. Tumpak! Dipugaaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!