Drones na may laser beam, gamit ng Dubai upang magdulot ng ulan
NAKATUKLAS ng bagong paraan ang National Center for Meteorology ng Dubai, United Arab Emirates para makagawa ng ulan.
Ito ay sa pamamagitan ng mga drones, na armado ng laser beams na siya nilang ipantutusok sa mga ulap.
Dahil sa kuryenteng taglay ng laser beams ay magkukumpol-kumpol ang maliliit na patak ng tubig sa ulap kaya bibigat ang mga ito at papatak sa lupa bilang ulan.
Bilang pruweba na matagumpay ang bagong tuklas na paraan para makagawa ng ulan ay ipinost ng ahensya sa Internet ang dalawang video ng malakas na pagbuhos ng ulan sa lansangan ng Dubai.
Mahalaga ito para sa UAE, na nakakaranas lamang ng 4 na pulgada ng ulan kada taon. Panlaban din ito sa matinding init, lalo na’t kamakailan lang ay lumampas sa 51 degrees Celsius ang temperatura sa Dubai.
- Latest