Baka hindi mo pa alam…
Bakit lumuluha mata kapag napapasobra ang ating pagtawa?
Ayon sa professor of ophthalmology na si Dr. Duffner ng University of Miami, ang paglabas ng luha ay dulot ng iba’t ibang emosyon—kalungkutan, sakit (pain), at sobrang katuwaan. Ang pag-iyak at pagtawa ay parehong nakakagaan ng kalooban o nakakaalis ng bigat ng damdamin dulot ng stress. Kaya kung nakakaranas ng pagtawa hanggang sa ikaw ay magluha, masuwerte ka dahil maganda ito sa ating kalusugan.
Ano ang dahilan ng “goose bumps” at pagtayo ng balahibo kapag natatakot?
Ang goose bumps o pangingilabot ay panandaliang paninigas ng maliliit na muscle sa balat tuwing tayo’y nagiginaw o natatakot. Kapag nanigas ang muscle, hihigitin nito ang maliliit na balahibo na nagiging sanhi para ito ay tumayo.
Totoo kayang nakakatulong ang pagnguya ng chewing gum at keso sa ating ngipin?
Sa pamamagitan ng laway, ang mga tinga sa pagitan ng ngipin ay naaalis. Ang laway din ang tumutunaw ng organic acid na nagiging sanhi ng tooth decay. Ang pagnguya ng chewing gum ay nakakatulong para mag-produce ng maraming laway ang bibig.
Magsisilbing protective barrier ng ngipin ang fat mula sa kesong nginuya mo. Ang calcium at phosphate mula sa keso ay nagpapatibay sa ngipin. Payo ni James Wefel, PhD, director ng Dow Institute for Dental Research, ang pagkain ng ilang pirasong keso o pag-nguya ng chewing gum ay gawin pagkatapos kumain ng iyong meal. Mas mainam kung sugarless ang chewing gum. (Itutuloy)
- Latest