LIKAS na sa mga tao ang mapanghusga, hindi lang sa pagkatao ng kanyang kapwa kundi sa mga bagong imbensiyon. Narito ang mga inimbentong mga bagay na hindi inakalang magiging kapaki-pakinabang.
Hindi kaagad kinagat ng publiko ang teleponong naimbento ni Alexander Graham Bell. Sabi ng British Parliament, hindi na kailangan ang telepono dahil marami silang inimpleyong mensahero sa opisina. Saka lamang nakita ng mga tao ang importansiya ng telepono pagkaraan ng 15 taon matapos na ito’y maimbento.
Noong 1927 na sikat na sikat pa ang silent movie, hindi naniwala si HM Warner ng Warner Bothers na kailangan pang pagsalitain ang mga artista sa pelikula.
Nang imbentuhin ang telebisyon ay kasalukuyang sikat na sikat ang radyo kaya nagkomento ang editor ng magasing Radio Times ng ganito: “Hindi na natin kakailanganin pa ang telebisyon sa ating buhay.”
Sinabi ni Ken Olson noong 1977, founder ng Digital Equipment Corporation na: “Wala akong nakikitang dahilan para ang mga tao ay magkainteres na bumili ng computer para sa personal nilang gamit.” Kaya ang ginawa ng isang kompanya ay nag-concentrate na lang sa paggawa ng photo copiers kaysa ipagpatuloy ang pag-manufacture ng mga computer.
Pagkatapos ng World War II, inalok kay Henry Ford II ang karapatang mag-manufacture ng Volkswagen. Kasama sa offer ay ang pagpapagamit ng pabrika at patent nang libre mula sa founder ng Volkswagen. Ngunit tumanggi si Henry. Napapangitan siya sa design ng Volkwagen Beetle. Ngayon ang Volkswagen ay nakakagawa ng 70 million sasakyan kada taon at ang Volkswagen Beetle ang naging best-selling vehicle of all time.
Nasa headline ang Wright Brothers nang napalipad nila sa loob ng 12 seconds ang eroplano sa kauna-unahang pagkakataon noong 1903.
Ang komento ni Ferdinand Foch, French general at Allied Commander noong World War I, “Airplanes are interesting scientific toys, but they are of no military value.”