^

Punto Mo

Cayetano et al, magbibigay ng P10,000 ayuda

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

GUSTONG kalkalin ng mga alipores ni dating Speaker Alan Cayetano sa Kamara ang mga kapalpakan ng mga bright sa gobyerno sa pagtugon sa COVID 19 pandemic.

Bakit?

Usad pagong kasi. Mahigit isang taon na sa Philippines my Philippines ang impeksyon wala pa ring nangyayari. Mabagal ang ginagawa ng pamahalaan para mailigtas ang madlang Pinoy sa sakit na nakahahawa at nakamamatay.

Ika nga, pakuya-kuyakoy ang ilang bright dahil mukhang hindi gumagalaw ang basic protocols para maiwasan ang hawahan dahil kulang sa kalampag porke papatak-patak ang datingan blues ng COVID vaccines.

Sabi nga, ang iba pang bakuna ay nagkahetot-hetot pa at mukhang itatapon na lamang sa basura dahil sa kapabayaan ng ilang bright people sa gobyerno.

Ano ba ito?

Dahil sa mga naglalabasang pangit na balita mananam- pal este mali magpa-file ng resolusyon si Cayetano at mga kakampi nito sa Kamara para sa Back to Service (BTS). 

Ang BTS ay naglalayong mangalkal at magsiyasat ng mga kapalpakan kung paano ginastos ng government ang funding na inilaan para sa Bayanihan 1 at 2.

Naku ha!

Patay kayo riyan?

Gusto ni Cayetano et al na ibukangkang sa Kamara ang panukalang Bayanihan 3 para malaman ang mga tama at ma-ling hakbang na nangyari sa pagpapatupad ng Bayanihan 1 at 2. Si Cayetano ang nagsabatas ng Bayanihan 1 at 2 noong Speaker pa ito.

Habang hindi pa tinatalakay ang nasabing resolus-yon muling magbibigay ng P10,000 ayuda ngayong araw sa pangunguna ni Cayetano et al, sa mahigit 200 beneficiaries sa iba’t ibang probinsiya sa pamamagitan ng isang virtual activity na lalahukan ng mga taga-Ormoc City, Camarines Sur, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Rizal at iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Abangan.

vuukle comment

ALAN CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with