1. Mga 50 percent ng homeless men ay nakaranas ng “traumatic brain injury”. Karamihan sa kanila ay nagkaroon ng brain injury bago maging homeless.
2. Mas madalas ang paggamit ng Facebook, mas bumababa ang nadaramang kasiyahan at pagkakuntento sa buhay. Ang resulta, mas mataas na tsansa ng depresyon.
3. Sa survey na ginawa sa mag-asawang nagsama nang matagal, an average of 39 years: Tumatagal ang pagsasama kung maligaya at kuntento sa marriage life si Misis. Yes, humihigpit ang kapit ni Misis sa kanilang pagsasama kung tinatrato siya ni Mister nang maayos at may pagmamahal. Wife’s happiness is more important than her husband’s when it comes to keeping a happy, lasting marriage.
4. Sa pag-aaral na isinagawa ng Stanford University noong 2014, ang paglalakad, natural man o sa treadmill, ay nagpapalakas ng “creative inspiration” ng 60 percent kaysa nag-iisip lang habang nakaupo.
5. “Grief Hallucination” ang tawag sa karanasang nakita mo ang multo ng iyong mahal na kapamilya sa panahon ng pagluluksa. Sa ginawang pag-aaral ng researcher na si Agneta Grimby ng University of Goteburg, Sweden, 80 percent ng matatandang namatayan ng asawa o anak ay nakakaranas ng hallucination, isang buwan pagkatapos maihatid sa huling hantungan ang kanilang mahal sa buhay.
6. Sa isang genetic study na ginawa sa Iceland, natuklasan na ilan sa mga locals ay may dugong Native Americans. Base sa kasaysayan, may nabuntis na Americans ang Viking men habang sakop ng Norse ang North America noong 11th century A.D.