Mga nangholdap ng toilet paper sa Hong Kong, sinentensiyahan na

HINATULAN ng tatlong taong pagkakakulong (40 buwan) ang tatlong lalaki sa Hong Kong na nangholdap ng daan-daang rolyo ng toilet paper noong kasagsagan ng panic buying dahil sa pandemya.

Senintensiyahan ang tatlong holdaper dahil sa isinagawa nilang armed robbery noong Pebrero ng nakaraang taon, kung saan 600 toilet paper rolls ang kanilang nakulimbat.

Umamin naman ang tatlo na gumamit sila ng kutsilyo upang takutin ang delivery driver na maghahatid sana ng supply ng toilet paper sa isang supermarket sa Mongkok, Hong Kong.

Humingi na rin ng tawad ang tatlo sa delivery driver at binayaran na rin nila ang halaga ng kanilang mga ninakaw.

Sa kabila nito, hinatulan pa rin sila ng pagkakakulong dahil ayon sa judge pinagplanuhan ng tatlo ang krimen.

Matatandaang nagkaubusan ng toilet paper noong isang taon sa Hong Kong matapos mag-panic buying ang mga tao nang kumalat ang balita na nakarating na roon ang coronavirus mula sa mainland China.

 

Show comments