Pinakamagandang payo

1. Kapag tinapos na niya ang pakikipagrelasyon sa iyo, lumayo ka na. Huwag mo nang pilitin pang diligan ang namatay nang halaman.

2. Kung mali, huwag mong gawin. Kung hindi totoo, manahimik ka. Ganoon lang kasimple.

3. Pakiramdaman mo kung kanino lumalakas ang iyong energy at kung kanino naman nanghihina ito? Iyon ang ibi­nibigay na senyales ng universe kung sino ang dapat na pahalagahan mo at sino naman ang dapat na layuan mo.

4. Ang mga bata ay parang mirror,  napakagaling manggaya sa mga ikinikilos at sinasabi ng matatanda. Kaya, be a good reflection for them.

5. Huwag makinig sa kritisismo ng taong hindi mo pag-aaksayahan ng panahon na  hingian ng payo.

6. Huwag na huwag mamalimos ng pagmamahal. Kung ang iyong text, tawag o personal na pagbisita sa kanya ay kanyang binabale-wala, oras na para lumayo ka. Ang tawag doon: SELF-RESPECT.

7. Ang masakit na katotohanan ay mas mainam kaysa inililihim na kasinungalingan.

8. Huwag kang magsisi kung naging mabait ka sa taong may masamang ginawa sa iyo. Ang ginawa mo at ginawa niya ay nagsasaad ng kanya-kanya ninyong  pagkatao.

9. Hindi lahat ng kasama mo sa trabaho ay kaibigan mo. Para makaiwas sa intriga: Magtrabaho nang mahusay. Sumuweldo. Umuwi ng bahay. Tapos ang kuwento.

10. Magpakasal sa lalaking kapag nagkaanak kayo ay matutuwa kang sabihan na: “Uy, mana siya sa iyong asawa!”

Show comments