KUWENTO ng kabiguang naranasan ng mga indibidwal ngunit hindi sumuko at sa bandang huli ay naging sikat sa larangan na kanilang pinasukan.
Malcom Forbes
Noong siya ay nag-aaral sa Princeton University, nag-aplay siyang writer sa school newspaper ngunit hindi siya nakapasa. Kaya nang itinayo ng kanyang ama ang Forbes magazine at siya na ang nagprisintang maging editor-in-chief nito. Ibinenta nila ang ilang porsiyento ng pag-aari noong 2014, sa Hong Kong-based investment group, Integrated Whale Media Investments sa halagang $300 million.
Ang Forbes magazine ay American business magazine na naglalathala ng mga artikulo tungkol sa finance, industry, investing, at marketing topics. Lumalabas ang babasahing ito 8 beses sa isang taon.
Ang magazine ay kilala sa paglalathala ng mga “lists and rankings” ng : the richest Americans (the Forbes 400), of the America’s Wealthiest Celebrities, of the world’s top companies (the Forbes Global 2000), Forbes list of The World’s Most Powerful People, and The World’s Billionaires.
Billy Joel
Hindi siya pinagradweyt sa high school dahil sa sobrang pag-absent. Sa kagustuhang makatulong sa ina, tumutugtog siya ng piano sa isang bar gabi-gabi kaya madalas siyang puyat at hindi makapasok sa klase. Tapos hindi siya nakakuha ng pinakaimportanteng English exam.
Sa sobrang kabiguan, siya ay naglayas ngunit minalas na napagbintangang magnanakaw. Ikinulong siya nang ilang araw. Ang pagkakulong na ito ang nagdulot sa kanya ng negative psychological effect. Iniurong ang kaso laban sa kanya pero nagpatuloy ang masamang epekto ng pagkulong sa kanya. Pakiramdam niya ay napakasama niya kaya nagdesisyon siyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng furniture polish.
Matapos makaligtas sa pag-inom ng lason, ipinasok siya ng kanyang pamilya sa mental hospital. Pagkatapos ng tatlong linggo, natuklasang siya ay matino pero depressed lamang. Gumaling siya sa depresyon at ang kinahumalingan ay ang pagsusulat ng mga awitin. Ilan sa pinasikat niyang awitin ay Uptown Girl, Honesty, Piano Man, Just The Way You Are, She’s Always a Woman at marami pang iba.
Nanalo siya ng five Grammys kasama ang Album of the Year para sa 52nd Street; Song of the Year at Record of the Year para sa “Just the Way You Are”.
Noong July 18, 2018, iprinoklama ni Governor Andrew Cuomo na ang date na nabanggit ay Billy Joel Day sa New York state matapos siyang kumanta. Ang performance niyang iyon ang kanyang 100th performance sa Madison Square Garden.